ako na.
turn ko na para tumayo sa harapan ng klase para magreport.
pero bakit gano'n?
bakit maingay silang lahat?
bakit lahat ay nakikipag-usap sa katabi?
bakit hindi nila ko pinaglalaanan ng oras para pakinggan?
tsk.
isa pa si ma'am.
hindi man lang naisip na bawalan kayo.
para bang wala siyang pakialam kahit hindi niyo pinagtutuunan ng pansin 'yung sinasabi ko.
magsama-sama kayo.
basta ako magsasalita lang.
"values are standards for determining whether something is good and desirable, or not.."
teka.
nakikinig ka?
[ngiti]
nakikinig ka nga.
[ngiti ulit]
nakakatuwa ka naman.
sige, kahit wala silang pakialam, okay lang.
at least may nakikinig pala.
parang may liwanag galing sa taas na nakatutok sa'yo.
napansin tuloy kita.
napansin ko tuloy na may nakikinig pala.
"in this way, values act as a means of social control and pressure."
sige lang, mag-ingay pa kayo.
...
yes. malapit na 'kong matapos.
...
...
sa wakas, tapos na.
nakatingin ka pa rin at nakangiti, habang nakikinig.
salamat.
[ngiti]
'yung liwanag, hindi pa rin nawawala.
sino ka ba?
tapos na ang klase.
tahimik na.
nawala ka na din kasabay nung ingay kanina.
...
10:33 am
...
tinanghali na naman ako ng gising.